Ako'y natuwa sa magandang balita
Pilit mang ikubli, bakas pa rin sa mukha
Mga mata ko'y nagningning tulad ng bituin
Umaasang ika'y maaabot at mapapa sa akin
Ikaw ba kaya ay ganun din?
Nagpuyat ako ng ilang gabi
Naghihintay ng tugon sa bawat sandali
Kahit sulat manlang kung pwede o hindi
Nagulantang ako sa iyong sinabi
Anong nagawa ko, ako ba'y nagkamali?
Sa aking natuklasan, napalitan ng kalungkutan
Hindi ang pagsuko ang dapat na kasagutan
Gagawin ko ang lahat kung kinakailangan
Upang sa gayo'y ako iyong mapagbigyan
Ito ba ay sapat na sa iyong kagustuhan?
Ang hirap isipin na ako'y papipiliin
Puso ko'y nagagalit, ang sakit sa damdamin
Hindi mo manlang naisip ang mga taon
Parang sinayang lang ang mga panahon
Ikaw ba'y kaya rin isuko ang pagkakataon?
Sana nga lang walang pagsisisi sa huli
Hindi ko alam kung paano ka maiintindi
Huwag magpadalos dalos sa mga sinasabi
Ayusin ang desisyon at mag-atubili
Masaya ka ba sa iyong pagpapapili?
Hindi sana aabot pa sa ganito
Kung una palang inaral at kinilatis ng husto
Ngunit anu nga ba ang magagawa ng puso?
Kundi ang huminto, kumawala at sumuko
Kung ito ang ikatatahimik ng isip at kalooban ko.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem