Ako ay may kaibigan, nagtatrabo sa arabian,
Siya ay may kahilingan na dapat ay pakinggan,
Isulat ko daw buhay ng mga kababayan
Sa aking kasiyahan, siya ay pinagbigyan.
Ang aking nagawa ay isang tula,
Tulang handog nawa ay magdulot ng tuwa,
Saan man kayo kami ay nakauunawa,
Kaya kababayan huwag kayong mangulila.
Alam ko ang hirap ng iyong trabaho,
Sa hirap at sakit ng katawan hanggang ulo,
Kadalasan itutulog upang maibsan ito,
O Kaya naman aawit ng awiting Pilipino.
Sa aking tula, kayo ang Bida dito,
Mga OFW nagserbisyo sa arabiano
O kahit saan mang sulok ng mundo,
Saludo ako sa inyong sakripisyo.
Salamat sa iyo o aking kaibigan,
Nawa ay mabasa iyong kahilingan,
Tulang handog sa inyo aking yaman,
Ito ay mananatili sa puso at isipan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem