Tuhod At Sahig Sa Balisang Puso Poem by Paul Pruel

Tuhod At Sahig Sa Balisang Puso

Likas sa tao ang masaktan at matakot
Ito'y magdudulot ng hapdi at kirot
Na hahadlang sa pangarap na maabot
Kahinaang magbubunga ng lungkot…

Sa loob ng madilim na sulok
Nagsisikip ang dibdib sa pag-iyak
Mga labi'y naliligo sa luhang nalalaglag
'Di mapigil dahil sa sobrang hirap…

Ang masaktan ay bahagi na ng buhay
Ang kaakibat nito ay matinding lumbay
Dahilan para makaranas ng panghihina
Kung 'di ma-agapan hahantong sa hukay…

Nguni't ang mabigo'y 'di dapat katakutan
Harapin itong walang pag-aalinlangan
Tanggalin ang takot sa puso't isipan
At umasang maglalaho mga pait ng buhay...

Huwag magmukmok sa isang sulok
Magtiwala sa kapangyarihan ng Dios
Lumuhod, balisang puso'y sa Dios umawit
Hingin ang awa, pagkalinga't pag-ibig!

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
What to do when you are anxious, scared and discouraged? Kneel down and pray...
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success