Marami ang nagsisikap
Na maabot kanilang pangarap
Butil-butil na pawis ang tumatagaktak
Upang magkaroon, kapangyarihang malawak
Gutom at pagod di inalintana
Hangin at ulan kanilang sinala
Gabi at araw kanilang tinahak
Araw, buwan at taon kanilang sinindak
Ngunit ano ang mapapala
Sa kapangyarihang minumutya
Ikaw ba ay magiging maluwalhati
Sa kabi-kabilang sidhi
Puso mo ba ay mapupunan
Ng mga maliligayang araw
O magiging alipin lamang
Nitong tanging yaman.
Copyright © Grace Svensson
January 28,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Grace, such an inspiring poem...10+++