Sinta Poem by Grace Svensson

Sinta

Rating: 5.0

Isang araw kami ay nagtagpo
Puso ko biglang lumukso
Akala ko langit ay mahuhulog
Sa mga pisngi ko


Maya-maya sya at nakipag-usap
Tinanong aking pangalan
Mundo ko biglangnagbago
Ng di ko malaman

Makalipas ang ilang araw
Siya ay muli kong nadungawan
At siya ay nagyaya
Na makipagkwentuhan

Di ko mapigil ang sarili
Sa tuwing sya ay ngingiti
Di ko mawari
Bawat sandali

Paglaon kami ay madalas ng magkita
Mga damdamin namin parang iisa
Masasayang ngitian
Laging binibitiwan


Ano na ba ang nadarama
Bakit laging nasa isip kita
Ikaw ay laging naaalala
At napapangiti sa tuwi-tuwina

Masasabi ko ba na ikaw ay akin ng sinisinta?
O baka naman ako ay mabilis lang humusga
Ngunit di ko mapigil
Ako ay lalong nanggigigil

Makaraan ilang linggo
Ikaw ay naglaho
Ako ay napaisip
Bakit para kang nagtatago

Isang araw tayo ay muling nagtagpo
Nakita ko isang dalaga
Kayo ay mukhang magkasuyo
Biglang sumakit ang aking puso

Maling akala pala
Ang aking naramdaman
Pawang kathang-isip lamang
Akala ko ako ay iyong sinisinta, ngunit iba pala.



Copyright © Grace Svensson
January 31,2018

Wednesday, January 31, 2018
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
Cheryl Tutaan 31 January 2018

Napakahusay ng iyong tinuran, Grace...😊 Such a lovely, yet a poignant scene at the end...I truly admire your words, especially the feelings that was being portrayed. Ganyan talaga ang pag-ibig, minsan may masasaktan...A highest 10 for you! You would also read my My First Love. Thank you. Cheryl♡

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success