Salamat Sa Tawag Mo Mahal Poem by Paul Pruel

Salamat Sa Tawag Mo Mahal

Ako’y natuwa sa tawag mo
Pakiramdam ko ika’y kaharap ko lang
Boses mo’y kasing-linaw
Ng awit ng hangin mula sa Silangan

Na pumapasok sa bintana at kumikiliti
Sa aking mga pagal na tainga
Habang ika’y aking kinakausap
Isang napakagandang himig

Na kahali-halina sa aking pandinig
Pagod ko’y pansamantalang naglaho
Dahil sa oras na ’yon nasa gitna ako
Ng masilang trabaho’t minamadali ng boss ko

Ngunit isa kang hulog ng langit sa umagang ito
Lakas ko’y agad nanumbalik, Mahal ko!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success