Sa Likod Ng Pighati Poem by Paul Pruel

Sa Likod Ng Pighati

Sa t'wing aking maririnig ang mga bulahaw
Para silang awit na umaalingawngaw
Sa puso ko't isipan sila'y sumisigaw
Mga panaghoy ng matinding paghihirap...

Kawalan ang sanhi ng aking paglayo
Ang gabi'y ginagawa kong araw
Marating lamang ang aking pangarap
Para sa aking pamilyang minamahal...

Sa murang edad na labing-pito
Mag-isa akong tumayo't nanindigan
Ang lungkot, pangamba't lumbay
Ay inalis ko sa aking puso't isipan...

Ngayon higit 30yrs na akong naninirahan
Sa malayong karagatan ng Japan
Ang ganda't lakas ng aking kabataan
Ay unti-unting naglalaho't napaparam...

Nguni't sa kabila nito ako'y masaya
Buhay ng aking pamilya'y sumigla
Salamat sa Poong Maykapal
Hindi Niya ako pinabayaan...

Ligaya sa puso ko'y namumutawi
Na dati'y makirot at mahapdi
At ang sugat ng kahapo'y napawi
Nang mahawi ang ulap ng pighati!

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
The journey of an OFW (Overseas Filipino Worker) in foreign lands...
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success