Sa aking pagtulog, sa gabing madilim
Ako nawa ay mahimlay ng mataimtim
Araw na nagdaan
Pansamantalang limutin
Mga butuin na maririkit
Langit na kaakit-akit
Ang syang maging bubong
Sa aking paghimbing
Mga suliranin
Wag munang isipin
Pagpapahinga ay tanging damhin
Sa pagtakip ng dilim
Ako ay basbasan, puong Maykapal
Sa buong gabi, ako ay iyong ingatan
Gisingin sa kinabusan
Na me bagong pag-asa at ngiting mahal.
Copyright © Grace Svensson
January 28,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Thank you for this poem that's well drafted.