Pagsibol Poem by Grace Svensson

Pagsibol

Ang mga ibon, di magkandagugol
Nag-aawitan
Di mapakali, nagsasayawan
Sa pagsalubong ng pagsibol

Nagbabagong anyo ang mga halaman
Mga puno ay nagtutubuan
Iba-ibang kulay ay laman
Sumasabog sa kapaligiran

Humahalimuyak ang tamis
Ng mga bulaklak ng labis
Sumisikat ang araw
Ng di mapanglaw

Pagbati sa isa't isa ay may ngiti
Lahat ay nasasabik
At di magkaulayaw sa pagbanggit
Sa pagdating ng tag-init.


Copyright © Grace Svensson
January 28,2018

Sunday, January 28, 2018
Topic(s) of this poem: spring
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success