Paggunita Poem by Grace Svensson

Paggunita

Irog para bang kahapon lamang tayo ay pinag-isang dibdib
At mga kaluluwa ay pinagsanib
Naaalala ko pa ang saliw ng musika
Na tumutugtog, saksi tayong dalawa

Di ko malilimutan ang ating pag-oo
Sa ating pagsinta na magkatulong nating binuo
Ngayon muli nating alalahanin
Ang piging na ating pinagsaluhan ay tila ba kahapon lamang

Magkahawak ang mga kamay
Sa saliw ng musika ay sumasabay
Mga puso tila naglulundagan at di magkandaulayaw
Sa simbulo ng damdamin na nag-uumapaw

Ako ay humihiling sa Diyos na magiting
Na tayo ay patuloy na bigyang hiling
Na umabot pa sa mahigit sa isang daang taon
Na puno ng pagmamahal at paglalambing.



Copyright Grace Svensson
December 11,2018

Tuesday, December 11, 2018
Topic(s) of this poem: anniversary,celebration,happiness,love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success