Pag ikaw ay gusto ko
Kaya kong baguhin ang mundo mo
Sa isang iglap
Pasasayo ang mga ulap
Pag ikaw ay gusto ko
Ipapadama ko sa iyo
Mga bagay na di mo
Nararanasan pa kahit sa panaginip mo
Pag ikaw ay gusto ko
Ipapakita ko sa iyo
Mga lugar na kaya mo
Makita lang sa pantasya mo
Pag ikaw ay gusto ko
Isasayaw kita
Kahit sa anong saliw ng musika
Ikaw ang magsisita
Pag ikaw ay gusto ko
Makikita mo ibang mundo
Mga ibon nag-aawitin
Kalangitan na nagsasayawan
Pag ikaw ay gusto ko
Mamahalin kita
Iaalay buong sariliko
Puso at kaluluwa
Pag ikaw ay gusto ko
Iaalay ko sa iyo
Buong buhay ko
Para lamang sa iyo.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem