Sa isang pikit mata
Lugar na kakaiba
Ako ay napunta
Di ko mawari, aking nakikita
Me isang pintuang
Aking pinasok
Walang taong nakabantay
At ako ay tumuloy
Isang lugar bumungad sa akin
Kahit sa panaginip
Di ko maisip
Na ako dito ay makararating
Sumalubong sa akin
Ibong nagsasalita
Ako ay pinatuloy
Na mayroong tuwa
Pagpasok ko sa mumunting bayan
Nanlaki aking mga mata
Paano nangyari ang mga ito
Sino ang gumawa?
Ang mga puno ay ginto, nagsasayawan
Tila sila'y nagpipistahan
Mga bulaklak ay ngumingiti
Ng walang kasawaan
Lahat ay nabubuhay
Walang lumilisan, Walang namamatay
Parang lahat ay nabubuhay
Ng walang humpay
Lugar puno ng kapayapaan
Tanging mga mala-angel
Ay nag-aawitan
Puno ng kasiyahan, walang hilahil
Ang mga bahay at gusali
Pawang nakalutang
Mga kalsada ay pilak
Na iyong tinatapakan
Di kailangan gamitin
Ang iyong isipan
Sadyang katahimikan
Sa bawat kasulukan
Kung ito man ay katotohanan
O pawang kathang-isip lamang
Ayoko ng magising
Habang buhay, dito nais manirahan.
Copyright © Grace Svensson
February 1,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem