Minsan may isang pag-ibig
Inialay sa kaibigang sa puso'y malapit
Diman naangkin ang kalingang pinangarap kong makamit
Makitang masaya ka, kahit sa piling ng iba ay siyang ring ninanais
Lumipas man ang maraming taon
Pagsinta ko'y di natinag ng panahon
Ang Pangalan mo sa ala ala ko'y naibaon
Pag ibigmo sa puso ko'y di kailanman maglalaon
Hangad kong iyongmabatid
Ang puso ko'y kaytagal nangnananabik
Di lamang sayong mainit na yakap at halik
Kundi sa pag-ibig mong hanggang ngayon walang nakakahigit.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem