Minsan ay Nagtanong…
Itaas nga ang mga kamay ng may masarap na baon
Mga mag-aaral nga'y unahan sa pag tataas ng kanilang mgakamay
Subalit may isang mag-aaral sa gitna ng katuwaa'y
Hindi maitaas ang kanyang mga kamay.
Ang mag-aaral di kumikibo, ulo'y nakatungo
Nagulumihanan kagyat nilapitan ng kanyang guro
Ano ba ang iyong baon at ikaw ay di nakipagpaligsahan sa pagtaas ng iyong mga kamay?
Ang bata'y yumuko, luha ay tumulo, puso ng guro ay tila magdurugo
Tungo ang ulo kanyang iniabot ang hawak na supot
"De sabog" po lamang ang ipinababaon ng aking ama't ina sa maghapon.
DE SABOG ba ikamo? Ano iyon tanong ng guro
Dibdib ay tila sasabog ng buksan ng bata ang kanyang baon
Kaning lumamig na, binalot sa dahon ng saging, na binudburanlamang ng malalaking butil ng asin.
"De sabog" ang tawag nila sapagkain na isinasabog ang asin sa kanin.
Oo mga bata may mga bata sa iba't ibang bansa
Na ang kinakain at binabaon ay "De Sabog" hindiang paborito ninyong" hamburger", "spaghetti "at "fried chicken "
Ikaw bata, masarap ba ang iyong baon?
Patikim?
Copyright: Eden S Trinidad
ALL RIGHTS RESERVED
June 21,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Nakakatouch ang tulang ito, dear ate Eden.......10++++++++++++