Mahal Kong Propesyon Poem by Grace Svensson

Mahal Kong Propesyon

Nung ako ay sabihan
Ng aking Mahal na Ama
Anak, ikaw ay mag-aaral
Ng propesyon kong banal

Di ko man ito natapos
Ikaw ang magpapatuloy
Ibuhos ng lubus-lubos
Tanging pagtatagumpay

Di mawari kung ano ang iisipin
Ano ang kanyang ibig sabihin
Sabay sabi niyang
Arkitektura ang iyong kunin

Sa simula ako ay walang gana
Di alam ang gagawin
Sapagkat ako ay disesais anyos lamang
Ng ito ay aking kunin

Lumaon ang taon
Unti-unti akong natututo
Kung papaano
Magtayo ng gusaling husto

Nag-inspeksyon, nagsukat
Nagbilang, gumuhit
Nagsunog ng kilay
Biglang inasam ang tagumpay

Pag ako ay naghihirapan
Aking inaalala
Laging sinasabi ni Ama
"Lahat iyong makakaya"!

Madalas niyang sabihin sa akin
Ibigay ang buong puso at kaluluwa
Walang kaimposiblehan
Tiyak na magtatagumpay ka

Sa limang taon ng pagsusunog kilay
Nangako sa aking sarili
Pagsisikapan kong mabuti
Ng walang humpay

Nangibang-bayan pagkatapos mag-aral
Di pinalad sa simula na makamtan
Madaming balakid ang natamo
Sarili di magkandatuto

Subalit nangako sa sarili ko
Sa puso at isipan ko
Alam ko kung ano ang aking gusto
Magiging arkitekto ako

Mahal kong Ama
Ating pangarap, mithiin lagi
Malapit ng maganap
Ramdam kong mangyayari

Mga pagsisikap ninyo ni Ina
Magkakaroong buti
Pagpalain ako nawa
Ng Diyos na mabuti.

Copyright © Grace Svensson
February 3,2018

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success