Mahal Kita
TRANSLATOR JULIETA ASINETA
MAKATA DR.NAVIN KUMAR UPADHYAY
Ang pag-ibig ay banal
Walang sinuman ang makapagpaliwanag
Madamdaming alon ng puso
Patuloy sa puso at isipan,
Ito ay kaluluwa ng buhay.
Di kailangan ng pagsisikap sa paglapit
Ito'y napaka-maramdamin
Isang kalagayan ng damdamin
Isang uri ng regalo na napakagara.
Pag-ibig ay magandang hugis ng Diyos
na makapangyarihan
Walang makakahigit nito
Nagpapatuloy mula sa isang pagsilang sa isa pa
Ano't makalangit na disenyo! ! !
'IKAW'
Ikaw ang aking mahal,
Walang nakakahigit kaysa sa iyo.
Ikaw ang aking lakas
Ikaw ang aking buong daigdig.
Ikaw ang aking buwan
Kung saan damdami'y nasasalamin ang pagmamahal.
Ikaw ang lahat sa akin,
Kung wala ka, wala din ako.
Ikaw ang aking bituin,
Na walang pagpipili
Kumukutitap sa lahat ng oras,
Sa katahimikan, nakikinig ako sa himig.ng iyong gitara.
Noon pa man sa pagkabata,
Naisip kong magsulat ng isang tula,
Ni wala akong bokabularyo o kaalaman sa ritmo.
Ang aking kaibigan, isang mahusay na makata, manunulat at tanyag na iskolar
Pinilit akong paulit-ulit na magsulat ng napakahusay.
Wala akong alam na mayron
kaunting kaalaman sa pagguhit,
Kung paano ako maging mahusay tulad niya,
Paulit-ulit niya akong sinigawan, ako'y napaluha
Maraming mga kaibigang nagtipon sa paligid, lahat ay di napigilan ang malakas kong boses
Bumisita din ang mga matatanda, nagtatanong,
Malinaw kong sinabi sa kanila.
Hindi naliliwanagan aking kaisipan
Si Deepawali'y naroon sa sunod na araw, pinayuhan akong humingi sa diyos ng mga pagpapala.
Kinabukasan nanalangin ako ng may pananampalataya at debosyon sa mga nais na ipagkaloob.
Nang yumuko ako sa aking diyos, pinaulanan ako ng mga bulaklak na mahalimuyak.
Masaya akong humiyaw, banal na mundo aking nakamtan
Di ko hangad ang pangalan, katanyagan at pagmamataas,
Ako ay isang taong mapagkumbaba.
Gusto lamang ng mga pagpapala ng banal na pag-ibig, iyon lang
Sinusubukan ko pa ring malaman ang isang aralin sa panitikan
Karunungan ay karagatan,
Hindi kayang sumunod sa banal na kasulatan.
'KUNG...'
Kung ang iyong mga luha ay di kasama sa aking pasakit,
Saan maghahanap ng pag-ibig ngayon?
Kung ang iyong mukha'y nasiyahan sa 'king nakamtan na kaligayahan,
Saan maghahanap ng pag-ibig ngayon?
Kung sasayaw ka sa aking tinig,
Saan makakuha ng higit na pag-ibig ngayon?
Kung ang iyong pinili ang s'yang aking gusto,
Saan maghahanap ng magagandang kaibigan ngayon?
Kung ang iyong naisin ay nakatago sa 'king puso,
Saan maghahanap ng bahay ngayon?
Kung ang puso ko rin ang iyong tirahan,
Gaano kaya kalayo tayo ngayon?
O aking mahal! Nais kong makanlong sa iyong mga bisig,
Nais kong maging sa 'yong sulyap ay kaakit-akit.
Buong hawla sa pader ng mundo'y bukas na itinapon
Nalubog sa lahat ng oras sa 'yong mahalinang alon.
Nang mabighani sa 'yong kaakit-akit na paningin
Ginugol sa buong gabi ang anino'y nagmaliw.
Nais kong maging taga-sunod mo, o aking pnakamamahal!
Mangyaring yakapin ako sa iyong mga bisig na mapagmahal
Ayokong mawasak ang puso mo sinta,
Kung sa tingin ko rin, masasaktan ka.
Ayaw kong mapalayo sa iyo anumang oras,
O mahal! Ikaw lang ay akin, kapagdaka ikaw'y tumawag.
Wala akong pakialam sa anumang kaugalian o kagawian sa lipunan
Gaya ng buong mundo, puno ng kamalisyahan.
Ang pag-ibig ay higit sa lahat, nagmula sa kalangitan
Tayo'y di maghihiwalay, o mahal ko,
Kung saan ikaw at ako ay napakalapit,
Pareho tayong di maaaring magkahiwalay.
Pareho tayong may katawan at anino,
Hindi kailanman isang puwang ng kahit isang sentimetrong makitid,
Kapag ikaw'y nasaktan, damhin mo ang kirot,
Na di kayang maipahayag ng aking panulat.
Ang ating mga puso ay palaging magkakasundo,
Maaaring hindi makayanan,
naghahanap upang matugunan pa rin,
Sa bawat hininga ang iyong pangalan kung saa'y,
Magpasiklab ng napakabilis sa ningas ng ating pag-ibig.
Ang iyong kaibig-ibig na pangalan ay nagbibigay sa akin ng ginhawa,
Ito'y karaniwang kasanayan, hindi lamang paniniwala,
Pasulong ang iyong hakbang, dalhin mo ako sa 'yong pagyakap,
O aking mahal! Halika agad,
basbasan mo ako ng kaliwanagan.
Isinalin sa wikang Filipino
Kung pagkalooban man ako ng pagpapahalaga sa mundong ito
Ang papuri ay tanging sa Dios Ama ko.
Kung ako man ay masaktan
Iyan ay bunga ng aking kasalanan.
Kung ako man ay makatanggap ng mga papuri
Magpupugay ako sa bawat hari.
Walang akong kakayanan
Walang maipagmamalaki kailanman.
Ang lahat ng nalikha ay banal
Kung ano man ang dinulot na kapaitan
Ay bunga ito ng ating kalupitan.
Inihahandog buo ang aking matamis na katapatan,
O mahal ko! Damdamin ko'y Hindi ko kayang mailarawan.
•
Mukha siyang rosas,
Parang rosas siya,
Ang kanyang mga mata ay parang rosas din,
Ang bawat bahagi ng katawan tulad ng rosas.
Ngumiti siya na parang rosas,
Gumalaw siya na parang rosas,
Lumuhod siya na parang rosas
Bumulong siya na parang rosas.
Hiling lang sa akin ay rosas,
Ipinakita ko lang sa kanya ang isang rosas,
Tinawagan ko siya ng pangalan, 'O Rose'
Talagang kanyang pangalan ay rose din.
Lahat ng pahiwatig ng mata mo para sa akin
Tila isang mainit na tasa ng tsaa,
Masigla ako kapag nakikita ko ang iyong paningin
Tila ito ay isang tanda, ngayon ikaw'y sumasang-ayon.
Lagi kong sinusubukang makuha ang iyong kahali-halinang damdamin,
Araw sa gabi ay nakikibahagi sa pamimintuho
Bagaman hindi alam, kung paano ka mapalugod,
Kahit papaano tanggapin mo ako, maaaring hindi makalimutan ang iyong tungkulin.
Oh aking mahal, pumunta ka rito, itago mo ako sa lalong madaling panahon,
Masyadong huli na, bilang, mahal ko, lahat ng sandali ngayo'y nawala,
Bilisan mong tumakbo sa akin, dahil ang oras ay hindi makapaghihintay,
Pagkatapos ko, ano ang gagawin mo, kung ang oras ay ganap na b.
$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem