Lahat ay may karapatan
Sa bagong simula,
Bagong karanasan
Bagong matututunan
Ngunit di dapat malimot
Ang nakaraan
Na siyang nagbigay
Sa ating ng katatagan
At ang hinaharap
Magbibigay pag-asa
Magbibigay liwanag
Sa magandang umaga
Ang sarap balik-balikan ang kahapon
Masarap namnamin ang ngayon
At nakasasabik isipin ang bukas
Mabuhay ang kahapon, ngayon at bukas!
Copyright © Grace Svensson
January 31,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem