Ng ako ay mapadaan
Sa kalye na tila walang hangganan
Ikaw ay nandyan ng di ko namalayan
Ngiti ang iyong isinalubong ng biglaan
Ako ay natulala, mundo ay biglang tumila
Pati orasan ay tumigil ng di mabahala
Awitan ng ibon tanging nangibabaw
Sa unang pagkakataon ng iyong pagdungaw
Sa aking isipan, di na maalis
Ang iyong mukha na angel ang wangis
Di na malimutan ang unang pagkikita
Mula noon ikaw ay lagi ng nasa diwa
Tayo pa kaya ay itatakda?
Tanging dasal na lamang ang siyang magagawa.
Na muling masilayan
Ang iyong ngiting walang sawa.
Copyright © Grace Svensson
January 26,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem