Bigla kong napagtuunan ng pansin
Isang matandang pulubi
Nakaupo sa semento
Na parang walang paki
Ano kaya ang dahilan
Bakit siya ay nagkaganyan
Mayroon ba siyang mga kamag-anak o anak man lamang?
Itsura niya ay nakakalungkot kung titingnan
Nagmahal din ba siyang minsan?
Nakakadama rin ba siya ng kalungkutan?
O kasiyahan man lang
Di ko magawang hindi isipin kanyang kalagayan
Paano Kaya siya nabubuhay
Sapat na ba ang ganyan?
Parang kay hirap naman
Kung ating pag-iisipan
Sa kabila ng lahat
Nawa ay masaya siya
At makahanap ng sapat
Na ikabubuhay nya.
Copyright © Grace Svensson
February 8,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem