Isang Maulang Gabi Poem by Eden Trinidad

Isang Maulang Gabi

Rating: 5.0

Salamat sa walang pagtatangi
Daan upang walang managhili
Mga makata ay pantay pantay
Laman ng isipan ay isasalaysay.

May laya ang bawat manunula
Na isip at puso ay kumatha humabi ng mga tula
Malalalim, mabibigat na talata
O mga salitang nakakagaan ng buhay na tigib ng pagluha.

Marubdob na damdamin di kayang pigilin
Oras na sumpungin ng pagkamalikhain
Hindi mapapanuto hanggat di naisusulat
Mga kamay ng may akda ay magsisiwalat.

Ang lapis at papel may tinta o wala
Malayang kaisipan magpipiglas at kumawala.


Copyright: Eden Soriano Trinidad
ALL RIGHTS RESERVED
June 16,2018
9: 25 PM

Monday, March 11, 2019
Topic(s) of this poem: rainy night
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 25 June 2019

A poem par excellence, dear ate Eden.....10+++++

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success