(Basahin pababa)
Ikaw, na aking una.
Magiging huli, balang araw.
Di ako naniniwala na
Ito ay hiling na mababaw.
Ikaw ay aking makakapiling!
Hindi maaari na
Pagmamahalan ay pigilin!
Tama lang na
Ito ang dapat sundin.
Kung mali ito, hindi
Pag-ibig ang salarin.
(Basahin pataas)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem