Hirap Poem by Grace Svensson

Hirap

Nais kong maranasan
Ang nakaraan
Namnamin ang noon
Hanggang maging ngayon

Ngayon isinilang
Ang kaluwalhatian
Ng nararamdaman
At parang walang hangganan

Hanggang masilayan iyong kagandahan
Binigyan ng kulay
Namamatay na halaman
Sa halimuyak mong magpahanggang saan

Saan ko ilalagay aking sarili
Ng madiskubre ko
Sa iyong puso
Na dalawa pala kami


Puso ay parang nais sumabog
Pagtibok ng mabilis
Halos di mahinto
Ano nga ba itong aking napasok?

Pinilit kong magising
Sa isang bangungot
Ngunit di ko mapigil ang pag-iimbot
Pagsakit ng dibdib ba ay walang hanggan?

Hanggang sa maglaho
Ang tamis
Natira puro paghihinagpis
Sa pusong minsan umibig


O paghihinagpis, wala na nga wala
Ang kapaitan ng pagluluksa
Nawala na ngang bigla
Pati pang-unawa

Pang-unawa na di maalintana
Sa panahon ng kapaitan
Wala na ngang magagawa
Kahit ikaw pa ay mawalan ng kaisipan

Kaisipan ko'y tuliro
Di na alam ang gusto
Pagsinta pa ba ang hanap
O labis na pagpapahirap

Ang sabi nila, pag-ibig ay kasiyahan
Walang pait puro awitan
Ngunit bakit aking nararanasan
Puro kadalamhatian lamang

Panahon na sigurong tumigil
Sa pagiging hangal
Tanggapin ang sariling kalooban
Na ako ay magising ng tuluyan

Copyright © Grace Svensson
February 1,2018

Wednesday, January 31, 2018
Topic(s) of this poem: pain
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 01 February 2018

Grace, such a well expressed sad poem👍👍👍

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success