Gubat Sa Kadiliman Poem by Aya Poetess

Gubat Sa Kadiliman

Mundong mistulang kaharian ng gubat
Matinik, masukat at sadyang malawak
Pebong marilag naghihirap sumikat
Kaya't karimlang buktot dito tatapak

Sa gubat na ito maraming nagkalat
Asal-Abel man o sa kapwa nanghahamak
Sa inog ng daidig nakikibalikat
Kahit ang tadhana sila'y isinadlak

Ang salaring tigre na hari sa gubat
Matakaw sa laman at ganid sa pilak
At ang mga dagang kanyang kaakibat
Kahit sa tungkulin matakaw ngumatngat

Ang mga ahas sa katoto'y di tapat
Anumang butas kanila'y tinatahak
At ang mga lorong magdamag sumasatsat
Dila nila'y may tali't sa tsismis nagpapahatak

Ang mga ibong sa langit nakikitapat
Sila'y masusunog, sa lupa'y lalagapak
Ang mga kuwagong sa gabi'y nagpupuyat
Masangsang ang amoy, puri'y napalubak

Daidig na anak ng kaharian ng gubat
Dito'y kagimbal-gimbal, kasindak-sindak
Kagubata'y sa salamin naging alamat
Kasamaa'y sumisigaw, humahalakhak


Copyright January 2018

Tuesday, February 6, 2018
Topic(s) of this poem: corruption,politics,social injustice
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
My writing as a form of activism during high school, published in school paper publication.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success