Dapit Hapun Poem by Minerva Agriam

Dapit Hapun

Tilaok ng puting uwak;
Giliw na naiidlip;
Gigising sa katutuhanan;
Lahat nf bagay ay may katapusan.

Bata man o matanda;
Walang pinipiling dahilan;
Pag naidlip, kakatukin;
Nang indayug ng mundo.

Na naghandog ng kapalaran;
Sa isang bunsong anak;
Kinagigiliwan ng Tagapagbigay;
Nang tadhanang makulay.

Sa lahat na naninirahan;
Nabubuhay at lumalakbay;
Sa walang katapusang dapit hapun;
Na tatahakin nino man.

Lahat na may hininga at buhay;
Na alay ne Bathala;
Syang gumawa ng dapit hapun;
At lahat na may bugay nitong mundo.


(9/04/03. 8: 05 p.m)

Wednesday, December 7, 2016
Topic(s) of this poem: nature
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success