Sa isang pangarap nagsimula ang lahat,
Nagtiyaga, nagsikap at nangarap.
Ano mang pagsubok ang dumating,
Andyan ka pa rin naging magaling.
Isa kang Pinoy na palaban,
Hindi sumusuko sa lahat ng laban.
Kahit ikapahamak mo ay kaya pa rin,
Para sa tagumpay yan ay gagawin
Yan ang tunay na Pilipino,
Sa bawat laban hindi sumusuko.
Sabihin mo sa sarili mong, kaya ko to!
Yan ay makakaya mo.
Ikaw ay Pinoy sa puso at diwa,
Pinoy ka sa loob at sa labas.
Lahing Pinoy ay ipinagmamalaki,
Dahil ganyan ang Pinoy.
Sang lugar man naroroon,
Kahit sa lugar na di mahulugang karayom,
Pagiging Pinoy ay naroon pa rin
Dahil dugong Pinoy kahit kailan ay mananatili pa rin!
you got it right..i agree what you had written...but just check some of your word... you will know it or edit it....thanks Best Wishes, Ency Bearis
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
I so agree! Mabuhay!