"Sa inuupahan kong kwarto
dito sa sikat na lugar ng Hamdan
ay kakaiba lagi aking nasasaksihan
pagkat ang lugar nami'y nagiging takbuhan
ng mga babaeng puno ng lumbay
kaya't ang kwarto nami'y tinagurian
pasyalan ng mga "brokenhearted"
sa larangan ng pag-iibigan
sa una'y ang tapang nitong mga inday
bukambibig ay laging hiwalay
sa mga jowang lagi nilang inaaway
hindi na daw magpapaloko
sa mga sinisintang tunay
kaya't ang "red horse" napagdiskitahan
habang sila'y nagkekwentuhan
pati sa videoki panay din ang hataw
ang una'y masigla at may tawanan
tigasin talaga makaporma ang mga inday
ngunit kalaunan umaatungal na ng tunay
ang sipon at luha sumasama na sa tagay
at dahil sa nasobrahan na naman
sundo ng jowa ang kanilang hinihintay
mga problemang sandamukal ang dahilan
at matatapos din sa mainit na "isplakan."
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem