Thursday, November 28, 2013

Bob Ong - Stainless Longganisa(Part 8) Comments

Rating: 0.0

Unang Libro.
Di tulad ng ibang author na inuuna ang manuscript bago ang paghahanap ng publisher, inuna kong problemahin kung may publisher bang sasalo sa pagpapaguran ko. Sa isa pa at huling pagkakataon, ibinalita ko sa mailing list ng BP ang seryosong intensyon ko na makakita ng interesadong publisher. Doon sumagot sa akin ang isang empleyado ng Visual Print Enterprises (VPE) . Hulog na sana ng langit, kaso lang 'printer' sila at hindi isang 'publisher'. Malaki'ng pagkakaiba.
Pag nagpasa ka ng manuscript sa publisher, maghihintay ka lang ng isang buwan o higit pa para malaman kung pasado ang trabaho mo. Kung pasado, bukod siguro sa optional na book launching, book signing, at author's visit sa mga bookstore e wala ka nang problema. Sagot na lahat ng publisher ang gastos at trabaho sa paggawa at pagbenta ng libro mo. Manonood ka na lang ng Cartoon Network sa bahay habang naghihintay ng royalty, kung meron man. Pero kung printer ang lalapitan mo, sagot mo lahat ng gastos sa sakit ng ulo. Para ka lang talaga nagpa-'print'. Pag buo na ang libro mo, malaya ka nang magtinda nito sa mga bangketa sa Quiapo. Wala kang kahati sa kita. May control ka pa sa lahat ng aspeto ng libro dahil walang magdidikta sa'yo kung paano ito gagawing mas mabenta. Para ka ring nag-produce ng pelikula kung saan ikaw ang bida-at walang masama doon! Lalo na kung maraming tao ang totoong naniniwala at bilib sa galing mo. Kahit yung mga kalaro ko dati sa patintero (sina Edger Allan Poe, Thomas Paine, D.H. Lawrence, Walt Whitman, Virginia Woolf) e kumagat din sa self-publishing. Ang totoo n'yan, maraming bestseller at sikat na libro ang self-published: The Tale of Peter Rabbit, Tarzan of the Apes, Wizard of Oz, Huckleberry Finn, The Bridges of Madison County, The Celestine Prophecy, Chicken Soup for the Soul, Elements of Style, What Color is you Parachute? , Rich Dad Poor Dad, at pati ang Legally Blonde na kelan lang e ginawang pelikula-yan at marami pang iba-nag-umpisa bilang mga self-published books. Yun nga lang, kung hindi ka man intellectual stuntman na may maisusugal na pera at talento, iba pa rin talaga yung dumaan ka sa hatol ng isang publisher na handang magtaya ng malaking pera dahil sa kumpiyansa n'ya sa trabaho mo.
May nahiram akong maliit na halaga noon sa mga magulang ko, back-up kung sakaling papatol ako sa self-publishing. Pero nagamit ko yon sa ibang bagay, kaya publisher na lang talaga ang pag-asa ko. Sa kabutihang palad, tiniyak naman sa akin ng VPE na handa silang maging publisher para sa libro ko.
...
Read full text

COMMENTS
Close
Error Success