Blindspot Poem by Malou Ocfemia

Blindspot

Pilipinas bayang aking mahal,
Pinamumunuan ng mga taong inihalal,
Taong bayan tiwalang sa kanila'y binigay,
Ngunit ginagawa nila'y puro sablay.

Paglilingkod sa baya'y hindi inuuna,
Sariling interes yan ang gusto nila,
Pagpapayaman galing sa kaban ng bayan,
Pinupuno ang bulsang may dati ng laman.

Pinagtatakpan katiwalian ng kanilang kasama,
Sapagkat sabwatan ba sila?
Uubusin ba nila ang yaman ng bayan?
Sasagarin ang kaban, iiwan ng walang laman.

Dalangin sa Diyos gisingin ang konsensiya
Pagmamahal ng Diyos kanilang ginagaya
Huwag pagtakpan ang gawain ng kasama
Sa sarili'y itakwail ang sa yama'y nagnanasa.

Di ako nawawalan ng pag asa
Ang blindspot sa pamahalaa'y mawawala
Lahat ng lider ay makakakita,
Katiwalian ay mabubura.

Public transparency at public trust ay mananaig
Panalangin ko'y Diyos ay nakinig
Bansang Pilipinas ay sasagana
Pilipino sasaya, buhay giginhawa
Ito ang mithiin ng bawat Pilipino,
Mawala ang blindspot sa ating Gobyerno.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success