Isang gantimpala aking nakuha
Minsan kung ano ano na lang
Aking naiisip, pagpipintq
O paggawa man ng tula
Mula sa kawalan
Bigla na lang sumagi
Sa aking pag-iisip at buong bahagi
Oo mula nga sa kawalan
Isang di mapagtantong bagay
Nagbibigay buhay at aking taglay
Sa araw-araw laging nakasabay
Sayang dulot ay walang humpay
Ako ay taimtim na nagpapasalamat
Sa buong Maykapal
Sapagkat ako ay napiling sapat
Ng mga biyayang mahal.
Copyright © Grace Svensson
March 13,2022
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem