Bakit naglaganito,
Buhay nama'y walang gulo;
Ngunit litong-lito,
Mga pangyayaring di gusto;
Yun pa ang gumuho,
Di kailan man ginusto;
Buhay na ganito,
Simpling-simple sa buhay ko?
Simple nga'ng tawagin,
Mahirap nama'ng gawain;
Naghintay ng pansin,
Sa Maykapal pagpalain;
Nawa'y bigyan mandin,
Buyayang gagamitin;
Araw-araw na palaguin,
Isipan, puso at damdamin.
Bakit biglang nagkaganito,
Buhay na di piho;
Ngayun ay pinupuri ko,
Di man sabay sa uso;
Simpling buhay na ganito,
Bumigay ng husto;
Mga tulang gumuguhit sa iyo,
At damdamin para sa iyo.
Kung nuon ang tanawin,
Ay para lang sa buhay ng lawin;
Tinitingalang pupurihin,
Tulad ng talang tanglawin;
Ngayun bakit tumitingin,
Sa mga dahung bunbunin;
Sa lupa'y humahalik din,
Sigaw ng isipan at damdamin.
Bakit ba talaga, ha?
Ani bacang iyong drama?
Pakawalan mo naman sana,
Ang sarili kong nagdurusa;
Di na alam ang tama,
Iyo pang binabaliwala?
Wala na sanang gulo,
Para lahat ay masaya!
(4/15/03. 2: 35 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem