Bakit Ba? Poem by Minerva Agriam

Bakit Ba?

Bakit ba kapag ang puso ay nagmahal,
Di man makata ay naging makasining,
Na mandin ay di ganuon nuon?

Aking sinuri ang kaibuturan,
Bakit ba naging ganuon,
Dahil ba ang mundo ay sadyang ganuon?

Kaya ako sa pagtataka'y nagtatanung,
Sa sarili man di'y nakiusap, bakit ba?
Di ba di man lang makapagsalita?

Itong Wikang Pambansa'y sadyang napakahirap,
Dahil ako'y namulat sa dayuhan na pag-aaral,
At mga banabasang mga aklat?

Takut nga ako nuong sadya akong
Pumunta sa Kauluhan para kumuha
Ng pasulit ng pang Parmasyutika na
Dagli ko namang naipasa.

Bakit ba parang ako'y biglang nagbago,
Wikang Pambasa'y parang ang dali kong maisip,
At isulat na para bang tunay na makata?

Ah! Sadyang ganuon, pag ang puso'y puno ng
Pagmamahal; pagmamahal na galing lang
Sa Puong Maykapal na nagmulat ng lahat na




(2/01/03. 5: 15 p.m)

Friday, December 30, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success