May nakasakay akong babae
Noong isang araw sa MRT
Ang ganda niya at sexy pa
Hindi ko alam kung bakit
Patingin tigin siya sa akin
May crush kaya siya sa akin?
Impossible kaya ano kaya?
Naisip ko tuloy baka kaya...
Miss miss sorry na lang
Kung hindi kita mapapaupo
Hindi ko kasi kayang tumayo
Pagod ako kakatayo maghapon
Sales Clerk kasi ako sa mall
Eight hours akong nakatayo
Ang dami kasi ng customer
Sorry na sorry lang, sorry na lang
Nang makarating ako sa bahay
Higaan agad hinanap ko
May wifi sa bahay kaya nagfb ako
Friend ko pala siya!
At kita ko ang picture ko
Sa wall niya, yung nakaupo MRT
Sabi niya, di raw ako gentleman
Miss miss sorry na sorry na
Kung hindi kita pinaupo
Sorry na lang, sorry na lang...
Di na ako nagreact sa post niya sa fb Ok lang yun sa akin
Magmula noong araw na yun,
Di na ako umuupo sa MRT
Tumatayo na lang ako kahit pagod
Di ko pa siya nakakasakay
Sana lang ay makasakay ko
Ang babae sa MRT.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem