Ayaw Nang Maghintay Poem by Minerva Agriam

Ayaw Nang Maghintay

Nuon akala ko'y simpling
Kaibigan ka lang;
Landas nati'y nagkatagpo
Sa di inaasahang sandali;
Di man tayo magkasundo sa halos
Lahat na mga bagay;
Masaya naman ang mga sandali
Na tayo'y magkaramay;
Sandaling mga oras at landas nati'y
Nagkahiwalay;
Di man nagkikita'y masaya ang mga
Yugtong walang kapantay;
Kumustahan at pag-alala
Ang syang tanging nag-uugnay;
Nagmula nuon hanggang ngayun
Tanging hangad ko'y ikaw;
Ngunit lumipas ang mga araw
Ako'y pagud na sa paghihintay;
Mga oras nakatuon sa mga
Mahahalagang mga bagay;
Alaala man kita bawat sandali
Ngunit ayaw ko ng maghintay.




(4/03/03. 1: 40 p.m)

Friday, December 30, 2016
Topic(s) of this poem: friend
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success