Ating Buhay Poem by Grace Svensson

Ating Buhay

Rating: 5.0

Ang buhay ay parang sasakyan na me gulong
Parang eroplano na di mo makulong
Kahit anong habol ito ay lilipas
Kahit anong pigil ay nagpupumiglas

Minsan sa ibaba, minsan sa ibabaw
Madalas ay hindi ka magkandaulayaw
Di makapag-isip at napapatanong
Saan nga ba ang buhay hahantong?

Minsan maligaya, minsan malungkot
Minsan nalilito at namamaluktot
Minsan napapasayaw, minsan di makagalaw
Na para bang paralisado ang buong layaw

Kung iyong iisipin bakit buhay ay di tuwid
Bakit may problema na walang patid
Ito marahil ay pagsubok lang sa atin
Kung paano natin mamahalin ang dati ng atin.



Copyright © Grace Svensson
December 12,2018

Wednesday, December 12, 2018
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
Jazib Kamalvi 04 August 2019

A refined poetic imagination, Grace Svensson. You may like to read my poem, Love And Iust. Thank you.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success