Anghel Poem by Paul Pruel

Anghel

Hindi maikukubli ang saya
Na hatid ng kaniyang mga mata
Larawan sila ng liwanag at pag-asa
Sa t’wing sisikatan ng araw sa umaga

Ang kaniyang hagikhik at tawa
Ay gamot sa pusong nagdurusa
At sa mga pagal na tainga
Sila’y mga musika

Siya’y isang munting anghel
Na galing sa mundong nagmahal
At nag-aruga mula ng siya’y isilang
Ang kaniyang inang mapagpala

Sa kabila na siya’y mahina
Malalambot ang mga paa
Hubad at wala pang malay
Siya’y bulaklak ng buhay

Ang haplos ng kaniyang mga kamay
At tamis ng kaniyang halik at dighay
Sa t’wing siya’y naglalambing
Walang matamis na maihahambing

Kaya dapat lamang na siya’y mahalin
Alagaan ng husto at pagyamanin
Siya’y bunga ng pag-iibigan
Ng dalawang pusong nagmahalan…

COMMENTS OF THE POEM
Paul Pruel 09 August 2008

The idea that urged me to write the piece is all about abortion. I am really against abortion. Mga walang malay ay idinadamay upang masawata ang pagdami ng tao sa mundo. Why not use condom, pills and other ways para di magbuntis ang isang babae? Karapatan ng mga batang wala pang malay ang mabuhay!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success