Kung maaari lang suyurin ang kalangitan,
Hahanapin ang tanging makapagbigay aliw;
Nitong pusong pangud na sa pagtibok.
Ngunit mahal na araw ika'y sadyang napakaganda,
Binigyang pansin ang sarili kong nanginginig na,
Dahil narin sa idinulot na lungkot,
Dahil araw-araw sya lang ang laging alaala.
Bakit ba sadyang ang hirap itakwil,
Alaala na matamis at malungkot,
Nagbibigay hirap sa pusong pagod na pagod.
Gusto na ngang kumawala sa kirot,
Nitong pusong nawawala sa tunog ng damdamin.
Sadyang tamis ang dulot kahit kurot
Sa damdamin ang nalalamang katutuhanan.
Tunay mang syang malaya, walang magawa.
Kaya ngayun ang puso'y nagwawala.
Sinong makapagbigay aliw nitong pusong nawawala?
Kahit giliw di mapapansin dahil sadyang
Napakapusok nitong pusong sagad na madamdamin.
Kabataan ay di pa naiwaglit dahil salat
Sa lahat na layaw ng pagmamahal
Ang syang nagmamay-ari ng pusong nawawala.
(2/04/03. 11: 00 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem