Ang Magsasaka Poem by Hazelyn Usop

Ang Magsasaka

Rating: 5.0

Ang magsasaka
naalala mo pa ba sila?
Napapansin mo pa ba sila?
Batid mo ba ang halaga nila?

Marahil dahil sa makabagong teknolohiya
At dahil sa mapanirang pandemya
Kaya nakaligtaan ang pangangailangan nila
Mga magsasakang sanhi kung bakit ikaw ay buhay pa.

Kaya't aking hiling sa aking kapwa Pilipino
At panawagan narin sa ating Gobyerno
Mga mata ay imulat, at pakinggan ang kanilang pagsusumamo
Mga magsasakang higit na apektado dahil sa krisis na ito

Sa aking kapwa Pilipino
Tangkilikin ang ating sariling produkto.
Pahalagahan ang bawat butil ng kanin sa ating plato
At bigyan ng lugar ang magsasaka sa ating puso

Sa gobyernong nagpapatupad ng kaunlaran
Ihandog at ipaalam sa magsasaka ang makabagong paraan
Suportahan at gabayan ang bawat pataniman
Upang matamasa ang masaganang anihan

Sa aking kapwa kabataan
Gamitin ang social media upang ipaalam
Ang saysay ng magsasaka sa ating sambayanan
Kaya't nararapat silang pasalamatan

COMMENTS OF THE POEM
Kim Reales 07 October 2023

I love your poem po! !

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success