Ang Covid 19 Sa Buhay Natin Poem by Eden Orbista

Ang Covid 19 Sa Buhay Natin

MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT!
Dahil sa sobrang lakas ng mga kidlat at kulog na sinundan ng malakas na ulan kanina....at hanggang sa mga oras na ito ay umuulan pa din 10: 45 pm Oct.1,2020, aba'y nagising sa pagkakahimbing, sinipag ang aking pluma at nagsimulang isiwalat ang laman ng aking puso at isip din......

💙🙏💙
Kanina lang nag bowling si San Pedro
Puro strike, malakas, walang humpay
Sumunod naman'y lumuha ang langit
Tila may mensahe o nais ipahiwatig.


ANG COVID 19 SA BUHAY NATIN
💙🙏💙
Itong pandemya na si COVID 19
Ginulantang ang mundo at katahimikan natin
Tila isang kidlat na humihiwa sa buong paligid
Tatamaan kahit na ang tao o saan mang liblib.
💙🙏💙
Minsan ng nagpahiwatig ng panlulumo
Dahil hindi maiwaksi ang tao sa mundo
Subali't walang tigil ang tao ay sinusupil
Walang ligtas sinumang kanyang malupig.
💙🙏💙
Anupa't tila isang alon sa dagat humagupit
COVID 19 ay bumulusok, muling nagbalik
Upang ang mahihina at may sakit ay igupo
Biglang naglalaho, pamilya ay litung-lito.
💙🙏💙
Marami tayong natutunan dulot ni COVID
Una na ang mga tsismosang nasa paligid
Kung dati sila ay naglipana sa bawa't gilid
Pansamantalang naglaho sa bahay, nanatili.
💙🙏💙
Naturuan din tayong maging mapagtiis
Anumang gusto ay di na basta makakamit
Dahil nais nating masiguro na ligtas tayo
Sa Virus na Corona kung saan-saan dumayo.
💙🙏💙
Ang pag-iimpok kung dati ay wala sa bukabularyo
Ngayon ay mahigpit ang kapit sa bawat sentimo
Hahaha tunay na tunay dahil ako'y isang manipesto
Sa pag-iingat na dapat makabuluhan ang paggasto.
💙🙏💙
Sa gitna nitong pandemya, tayo ay nagbalik
Sa ating Poon na dati ay muntik ng mawaglit
Sa ating mga puso dahil sa bagamundong nais
Tayo ay pinukaw at sa Kanya'y muling kumapit.
💙🙏💙
Napakabigat at napakamahal ng kabayaran
Sa ating paglimot, pagpapasasa at kapabayaan
Hindi pa huli laging may panahong nakalaan
Sa pagbabago, tayo'y ligtas sa kapariwaraan.
💙🙏💙
Anuman ang nasa puso mo at isipan
Anuman ang iyong nais ipakahulugan
Sa aking munting damdamin at kaisipan
Iyong pananaw ay manaig, ganunpaman.
💙🙏💙
Sa bagong landas ng buhay na ating tinatahak
Kaylanma'y huwag matakot bagkus ay magalak
Sapagka't kasama natin Siya sa bawa't hakbang
Upang ang buhay natin ay mapuno ng kagalakan.
💙🙏💙
Para sa ating lahat mula sa aking puso at isipan, ito ang inyonggggggg............
ASK GRANDMA EDEN. 🌹🌹🌹

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success