Anak Poem by Grace Svensson

Anak

Rating: 5.0

Ng aking unang naaninagan
Ang iyong malaanghel na kawangisan
Ako ay kinilig at muntik maghiyawan
Sa Isang regalo mula sa Maykapal.

Di makapaniwala na ikaw ay akin
"Inay" katagang bigla mong sambitin
Ako ay nabigla ngunit dama ng kaibuturan
Pino at wagas mong nararamdaman

Nagdaan ang maraming taon
Ikaw ay umusad at yumabong
Isang magiliw na anak ng Diyos
Makisig, magiliw, walang nais itapon

Sa bawat sandali ako ay inaalala
Maging sa dalamhati man o saya
Lagi iyong sinabi ako ang iyong Ina
Na iyong pinagkakautangan ng iyong buhay at pag-asa.


Copyright © Grace Svensson
January 24,2018

Wednesday, January 24, 2018
Topic(s) of this poem: motherhood
COMMENTS OF THE POEM
sEaNn 24 January 2018

i get the grace part...sweet :) my bad... i know..del this lol im sure its great

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success