Nagmadali akong lumuhod at nagdasal
At ilang saglit pa ako’y tumayo na masaya
Dahil sa isipan ko ay nagampanan ko na
Ang obligasyon ko bilang isang Kristiyano…
Kasama ang paniniwala na magiging masaya
Na ang aking kaluluwa sa maikling dasal ko
At kapos din ang oras ko na iparating sa aking
Mga kaibigan ang tungkol sa Dakilang Diyos…
Kasi nangangamba ako na baka ako’y kanilang
Pagtawanan at sabihin nila na ako’y nababaliw
“Walang panahon! Marami akong trabaho! ”
Iyon ang lagi kong sigaw at katuwiran…
At wala rin akong oras para sa mga kaluluwa
Na nangangailangan din ng aking mga dasal
Nguni’t ‘di ko naisip na darating din sa akin ang
Imbitasyon ni kamatayan na humarap sa Poon…
Sa isang iglap ay naglaro’t nailarawan sa isipan ko
Ang pagkakataon na ako’y nasa harap na ng Maylalang
Nakita ko Siya na may hawak na Aklat ng Buhay
Aklat ng mga nilalang na Kaniyang kinalugdan…
Binuksan Niya ang Aklat ng Buhay at nagsabi:
“Wala pa ang pangalan mo sa aklat, binalak
Kong isulat at isama ka sa mga nakalista dito
Nguni’t wala akong panahon at pagkakataon! ”
Kulang na lang na sabihin sa akin na 'Amanos Lang Tayo! '
'Patawad po Panginoon' nguni't huli na ang aking pagsisisi...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem