Mula pagkabata
Idolo kita
Ikaw ay matapang
At matatatag
Walang sinasanto
Walang inuurungan
Basta sa tama
Iyong paninindigan
Kami ay binuhay mo
Mula sa pawis at alikabok
Kami ay itinaguyod mo
Hanggang sa tuktok
Ngayon ikaw ay matanda na
Kumikilos dahan dahan na
Me kalabuan na ang mga mata
Pandinig minsan sumasablay pa
Minsan Kay sarap balikan
Nung ikaw ay malakas pa
Mga masasayang alaala
Hindi ko malilimutan
Ikaw ay aking aalalayan
Kahit anong oras
Kikitaing madalas
Upang ika'y bigyang kasiyahan
Mahal kong Ama
Nais kong magpasalamat
Sa iyong pag-aaruga
Ako ay pinalaki mo ng sapat
Sa nalalabi mong oras
Sa mundong ibabaw
Ikaw ay pakamamahalin
Hanggang sa wakas!
Copyright © Grace Svensson
January 31,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem