Akala Lang Poem by Minerva Agriam

Akala Lang

Akala ko di na ako iiyak,
Akala ko ikaw na ang hinahanap,
Akala ko sa iyo na liligaya,
Akala ko ang paghahanap ay
Winakasan mo na,
Akala ko ikaw na nga,
Akala ko mahal mo rin ako.

Puro lang akala
Wala nabang pinagkaiba?
Lahat sila'y lilipas,
Parang bulang maglalaho.
Pag ikot ko'y wala na,
Di na mskita ng aking
Mga mata.

Ang saklap naman
Puro akala na lang ba?
Baka pati pagtibok
Nitong puso'y akala pa rin?
At sa bandang huli'y
Mamulat nalang
Buhay pala'y wala na rin!



(5/16/03. 6: 00 p.m)

Saturday, December 10, 2016
Topic(s) of this poem: doubt
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success