Nakadalawang taon ako sa college, isang semester sa isa pang college, at muling tumatakbo para sa two-year course sa isa na namang eskuwelahan. Sa kabila ng paglunok ng pride, pag-amin sa pagkatalo, at pagtanggap sa katotohanang 'vocational lang' ang binagsakan ko, aaminin kong langit ang bago kong eskuwelahan.
Maliit lang 'yung building. Nasa isang floor lang ang buong 'campus'. Walang basketball court, gym, quadrangle, mga puno, drinking fountain, audio-visual room, at student council. Miniature version din ang canteen, clinic, library, faculty room, at restrooms. Hindi tatagal ang claustrophobic.
Pero sa eskuwelahang ito ako nakapagpahinga. Kahit medyo kapos sa sense of humor ang mga estudyante, hindi ka naman pahahanginan ng mga kuwento tungkol sa kotse nila. Mapapailing ka minsan sa lectures ng ibang instructors, pero ayos pa rin dahil lagi silang may oras para sa'yo, hindi ka magmumukhang naghahabol sa Hollywood superstar pag may kailangan ka. Lahat ng tao pwedeng kausapin, approachable, at accommodating.
Pero hindi pa tapos ang laban.
...
Read full text